Feeding program para sa mga bata isinagawa sa Las Piñas City

Feeding program para sa mga bata isinagawa sa Las Piñas City

Nagsagawa ang Pamahalaang Lokal ng Las Piñas City ng auxiliary feeding program para sa 600 na kabataan sa lungsod.

Pinangasiwaan ng City Nutrition Office sa pamumuno ni Nutrition Action Officer Dr. Julio P. Javier II ang naturang programa na isinagawa sa Brgy. BF International CAA.

Ito ay sa ilalim ng inisyatibo nina Mayor Mel Aguilar at Vice Mayor April Aguilar na naglalayong mapabuti ang estado ng nutrisyon ng mga batang Las Piñeros.

Pinagkalooban ang mga bata ng masusustansiyang “Almondigas” isang noodle soup dish na may meatballs at patola na sinamahan pa ng pandesal at bottled water na inihanda ng Nutritionist- Dietitians and Barangay Nutrition Scholars at mga laruan mula sa Ronald McDonald House Charities (RMHC) Philippines. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *