Barko ng PCG na nagsasagawa ng rotation at resupply mission sa Ayungin Shoal tinutukan ng laser light ng Chinese Vessel
Ilang beses na tinutukan ng military-graded laser light ng barko ng China ang BRP MALAPASCUA habang nagsasagawa ito ng rotation at resupply mission sa Ayungin Shoal.
Ang insidente ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) ay nangyari sa Ayungin Shoal noong Feb. 6, 2023 sangkot ang China Coast Guard (CCG) vessel na mayroong bow number 5205.
Pagsapit ng BRP MALAPASCUA sa layong 10nm mula sa Ayungin Shoal, namataan nito ang Chinese vessel.
Dalawang beses na tinutukan ng laser light ng Chinese ship ang BRP MALAPASCUA na nagdulot ng temporary blindness sa crew ng barko.
Nagsagawa din ng dangerous maneuvers ang Chinese vessel at lumapit ng halos 150 yards lamang mula sa starboard quarter ng coast guard vessel.
Lumayo na lamang ang BRP MALAPASCUA at nagtungo sa direksyon ng Lawak Island para ituloy ang maritime patrol at support sa BRP TERESA MAGBANUA (MRRV-9701).
Ang RORE mission ng PCG ay para sa sub-stations nito sa Kalayaan Island Group.
Ayon sa PCG, ang ginawa ng China na sadyang pagharang sa misyon ng Philippine government ships para makapaghatid ng pagkain at iba pang suplay sa mga military personnel na lulan ng BRP SIERRA MADRE ay malinaw na paglabag sa Philippine sovereign rights sa West Philippine Sea. (DDC)