P1M na halaga ng smuggled na sigarilyo nakumpiska sa Cebu City
Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng P1 million.
Ang mga kontrabando ay natuklasan sa loob ng limang balikbayan boxes at sakay ng MV FILIPINAS sa Pier 1, Cebu City.
SA manipesto na inisyu ng Cokaliong Shipping Lines, ang mga balikbayan boxes ay dadalhin dapat sa Cagayan de Oro at ang laman umano nito ay mga talong.
Sa isinagawang inventory, na-recover ng mga otoridad ang 10,280 na pakete ng sigarilyo na mayroong market value na P1,028,000.
Ang mga nakumpiskang sigarilyo ay dinala sa Bureau of Customs (BOC) para isasagawang imbestigasyon. (DDC)