MMDA hinikayat ang publiko sa “zero waste” na pagdiriwang ng Valentine’s Day
Hinimok ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na gawing “zero waste” ang pagdiriwang ng Valentine’s Day.
Ayon sa MMDA, sa araw ng mga puso, huwag nating kalimutang ipakita at iparamdam ang pagmamahal sa Inang Kalikasan.
Partikular na hinikayat ng MMDA ang publiko na umiwas sa mga single-use waste at maging responsable sa pagtatapon ng basura.
Narito ang ilang tips ng MMDA para magkaroon ng “zero waste Valentine’s Day”:
1. Itapon sa tamang basurahan ang pinagkainan.
2. Sa halip na bumili ng Valentine’s card ay gumawa na lamang gamit ang mga recyclables.
3. Gamitin bilang lagayan ng regalo ang mga paper bag na maaari pang gamitin sa susunod na okasyon.
4. Magluto na lamang ng pagkain at bumili ng organic, local products bilang regalo. (DDC)