S.A.F.E. NCRPO App Alert 24/7 na ang operasyon
Inihayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director, Major Gener Jonnel Estomo na 24/7 ang operasyon ng S.A.F.E. NCRPO App Alert sa buong Metro Manila.
“Gaya ng lagi kong sinasabi, habang ang ating mga kababayan ay tulog, ang kapulisan ng NCRPO ay laging gising upang siguraduhin ang kanilang kaligtasan. At ang naging implementasyon ng S.A.F.E. NCRPO App Alert ay isa lamang sa ating paraan upang panatilihin ang katahimikan at kaayusan sa Kamaynilaan at upang mapabilis and pagtugon ng ating kapulisan sa anumang uri ng insidente sa pamamagitan ng isang daliri lamang,”ani MGen Estomo.
Ito ay kasunod ng matagumpay na implementasyon at paggamit ng S.A.F.E. NCRPO App Alert sa Metro Manila na layung magbigay ng pinakamabilis, pinakamadali at dedikadong police alert hotline para sa lahat ng barangay at susunod na rito ang mga simbahan, mosques at iba pang katulad ba institusyon u other similar institutions upang agarang mapagkalooban ng police assistance.
Simula Enero 13, 2023, ang Tactical Operation Centers (TOCs) ng NCRPO ay nakatanggap at namonitor ang 35 reports sa pamamagitan ng App Alert.Agad nakapagbigay ng alarma at tinugunan ng command center ang lahat ng reports at nagdispatch ng mga pulis para sa police assistance sa mga nasasakupang lugar.
Kabilang sa nirespondehang 35 na reports ay buhat sa Northern Police District (7), Eastern Police District (6), Manila Police District(2), Southern Police District(4), Quezon City Police District(16) subalit siyam rito ang pagkakamali at hindi intensiyon o ‘di sinasadyang napindot ang alert button ayon sa beripikasyon ng otoridad.
Binigyang-diin ni RD Estomo na ang S.A.F.E. NCRPO App Alert ay ginawa upang maabot ang layunin ng S.A.F.E. NCRPO na dapat nakikita,kuntento at nararamdaman ng mamamayan ang katangi-tanging pagganap sa tungkulin ng mga pulis.
“Makakaasa ang ating mga kababayan sa patuloy na implementasyon ng App Alert na ito upang agarang matugunan at marespondihan ang kanilang pangangailangan. Pinapaalalahanan din po natin ang lahat, na sana ay huwag gawing biro o iwasan ang paggamit ng app na ito kung hindi naman talaga emergency o nangangailangan ng agarang tungon mula sa ating mga kapulisan nang sa gayon ay hindi nasasayang ang ating resources,” dugtong pa ng opisyal.(Bhelle Gamboa)