Mahigit P400K na halaga ng ‘shabu’, nakumpiska sa buy-bust operation ng Cebu City
Dalawang suspek ang naaresto matapos mahulihan ng nasa P400,000 na halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Cebu City Police sa Holy Family, Nivel Hills, Brgy. Busay, Cebu City.
Kinilala ni Police Colonel Ireneo Dalogdog, City Director ng Cebu City Police Office ang mga suspek na sina alyas “Ondong”, 45 taong gulang, at alyas “Elmer”, 36, parehong residente ng nabanggit na lugar.
Ayon kay Dalogdog, ikinasa ng mga tauhan ng City Intelligence Unit (CIU) ang operasyon na nauwi sa pagkakadakip sa dalawang suspek.
Nakuha sa mga ito ang nasa 60 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang halaga na P408,000 ang halaga.
Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (DDC)