Pangulong Marcos inumpisahan na ang mga pagpupulong sa kaniyang working visit sa Japan

Pangulong Marcos inumpisahan na ang mga pagpupulong sa kaniyang working visit sa Japan

Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ilang mga negosyante sa Japan.

Sa kaniyang unang gabi sa Japan, nagkaroon ng dinner meeting ang pangulo sa mga executives ng Mitsui & Co. and Metro Pacific Investments Corporation (MPIC).

Sa kaniyang pahayag, binigyang-pagkilala ng pangulo ang maayos na relasyon ng Pilipinas at Japan.

Ang Mitsui & Co. ay kumpanya sa Japan na nasa larangan ng product sales, logistics and financing, infrastructure projects, iron and steel products, information technology (IT) and communication.

Mayroon itong 128 na tanggapan sa 63 bansa kabilang ang Pilipinas.

Nagkaroon din ng dinner meeting ang pangulo kasama sina Japan Bank for International Cooperation Governor Tadashi Maeda, at House Speaker Martin Romualdez.

Nanawagan ang pangulo ng higit na pagpapaigting sa kooperasyon ng Pilipinas at Japan, partikular sa larangan ng kalakalan at pamumuhunan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *