42 barangay sa bansa naserbisyuhan ng Mobile Materials Recovery Facility ng MMDA noong nakaraang taon
Tuloy-tuloy ang pag-iikot ng Mobile Material Recovery Facility (MMRF) ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa iba’t ibang barangay sa Metro Manila.
Noong nakaraang taong 2022, ay umabot sa 42 barangay sa lahat ng 17 local government units sa Metro Manila ang naserbisyuhan ng MMRF.
Ilan lamang sa mga barangay na naikot na ng MMRF ay ang mga sumusunod:
– Almanza Uno sa Las PiƱas
– Pio del Pilar sa Makati
– Addition Hills sa Mandaluyong
– Barangay 178 sa Caloocan
– Barangay 136 sa Maynila
– Niugan sa Malabon
– Tumana sa Marikina
– Bayanan sa Muntinlupa
– San Roque sa Navotas
– Tambo sa Paranaque
– Barangay 181 sa Pasay
– Kalawaan sa Pasig
– Sta. Ana sa Pateros
– Tatalon sa Quezon City
– Corazon de Jesus sa San Juan
– Lower Bicutan sa Taguig
– Malinta sa Valenzuela
Isa ang MMRF sa proyektong isinusulong sa ilalim ng Metro Manila Flood Management Project Phase 1 kung saan bahagi ang MMDA.
Layunin ng proyektong mabawasan ang pagbaha sa Kalakhang Manila sa pamamagitan ng pagpapatupad ng iba’t ibang programa ukol sa solid waste management sa mga komunidad. (DDC)