Embahada ng Pilipinas sa Turkey nagpadala ng team para tiyakin ang kaligtasan ng mga Pinoy sa mga rehiyong naapektuhan ng lindol

Embahada ng Pilipinas sa Turkey nagpadala ng team para tiyakin ang kaligtasan ng mga Pinoy sa mga rehiyong naapektuhan ng lindol

Patuloy na inaalam ng embahada ng Pilipinas sa Turkey ang kalagayan ng mga Pinoy na nakatira sa mga rehiyong naapektuhan ng lindol.

Ayon sa datos ng embahada, mayroong 248 na Pinoy sa mga apektadong rehiyon.

Nagpadala na ng team ang embahada na pinamumunuan mismo ni Ambassador Maria Elena P. Algabre patungo sa mga probinsya sa southeast Turkey para personal na alamin ang kalagayan ng mga pinoy doon.

Ayon sa embahada patuloy silang nakatanggap ng mga confirmed at unconfirmed reports na may mga Pinoy na nakararanas ng distress.

Kabilang dito ang naitalang dalawang pinoy na nasugatan matapos ang pagyanig na ngayon ay kapwa nasa maayos nang kalagayan.

Ayon pa sa embahada, nakausap na rin nila ang ilang mga Pinoy na nakatira sa Adana at Iskenderun kung saan ang mga embassy personnel ay namahagi ng relief goods na kinabibilangan ng pagkain, kumod, tubig at cash.

Mayroon ding apat na Pinoy na inilikas sa Adana at dinala sa mas ligtas na lungsod ng Mersin. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *