Pangulong Marcos nakaalis na patungong Japan

Pangulong Marcos nakaalis na patungong Japan

Nakaalis na ng bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kaniyang 5-day official visit sa Japan.

Sa kaniyang departure speech, binanggit ng pangulo na makakapulong niya, kasama si First Lady Liza Marcos ang Emperor at Empress ng Japan.

Target din ng pangulo na makapagsara ng mga kasunduan hinggil sa akgrikultura, renewable energy, digital transformation, defense at infrastructure.

“My bilateral visit to Japan is essential and is part of a larger foreign policy agenda to forge closer political ties, stronger defense, and security cooperation, as well as lasting economic partnerships with major countries in the region amid a challenging global environment,” ayon sa pangulo.

Anfg working visit ng pangulo sa Japan ay tatagal hanggang sa Feb. 12.

May nakatakda ding pulong ang pangulo kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida at audience kay Emperor Naruhito.

Hangad ng pangulo na mapaigting pa ang ugnayan ng Pilipinas at Japan, gayundin ang makapag-uwi ng maraming pamumuhunan sa bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *