Naga City ginawaran ng Seal of Good Financial Housekeeping ng DILG
Ginawaran ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng Seal of Good Financial Housekeeping (SGFH) for 2022 ang Naga City Government.
Ang pagkilala ay ibinibigay sa mga LGUs para sa pagkakaroon ng transparency at pagsunod sa accounting and auditing standards na itinatakda sa Bureau of Local Government Supervision.
Ang SGFH ay pagpapatunay na ang pamahalaang lungsod ng Naga ay nakitaan ng mahusay na auditing sa mga ginagastos nitong pondo ng pamahalaan.
“The achievement is part of the Financial Administration and Sustainability aspect under the prestigious Seal of Good Local Governance (SGLG),” ayon sa pahayag ng Naga City LGU. (DDC)