68 sakay ng nagkaproblemang motor launch sa Basilan nailigtas ng Coast Guard

68 sakay ng nagkaproblemang motor launch sa Basilan nailigtas ng Coast Guard

Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) District Southwestern Mindanao ang mga sakay ng isang lantsa na nagkaproblema habang nasa karagatan na sakop ng Panducan Point, Basilan.

Ipinadala ng ang PCG ang Coast Guard-manned BFAR vessel na MCS-3007 at ang mga tauhan ng Coast Guard Station Zamboanga para magsagawa ng search and rescue (SAR) operations nang matanggap ang ulat hinggil sa nagkaproblemang lantsa.

Nangyari ang insidente madaling araw ng Miyerkules (Feb. 8).

Ayon sa crew ng ML SULNA nasira ang makina ng sasakyang pandagat habang naglalayag galing ng Zamboanga City patungong Taganak, Tawi-Tawi.

Sinabi ng PCG na ligtas naman ang lahat ng 57 pasahero at 11 crew members ng lantsa. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *