Watawat ng Pilipinas sa Philippine Embassy sa Turkey inilagay sa half-mast

Watawat ng Pilipinas sa Philippine Embassy sa Turkey inilagay sa half-mast

Inilagay sa half-mast ang watawat ng Pilipinas sa tanggapan ng Philippine Embassy sa Ankara, Turkey.

Ito ay bilang pakikidalamhati sa pagpanaw ng libu-libong katao matapos ang tumamang magnitude 7.8 na lindol noong Feb. 6, 2023.

“The Philippine Embassy in Ankara joins the Republic of Türkiye and other foreign diplomatic missions in mourning the loss of lives for the devastating earthquake that hit the southeastern part of the country on 06 February 2023,” ayon sa pahayag ng embahada.

Mananatiling naka half-mast ang watawat ng Pilipinas hanggang sa Linggo, February 12.

Ipinaabot ng embahada ang pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi sa lindol.

Kabilang na ang mga naapektuhan sa Kahramanmaraş, Gaziantep, Hatay, Osmaniye, Adıyaman, Malatya, Şanlıurfa, Adana, Diyarbakır, at Kilis.

Ayon sa embahada, umabot na sa mahigit 3,300 ang nasawi sa Turkey at mahigit 20,000 ang nasugatan sa 10 probinsya. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *