Rollout ng 5th dose ng COVID-19 vaccine uumpisahan na sa Australia

Rollout ng 5th dose ng COVID-19 vaccine uumpisahan na sa Australia

Uumpisahan na ng gobyerno ng Australia ang pag-rollout sa ikalimang dose ng COVID-19 vaccine sa kanilang mga mamamayan.

Partikular na bibigyan ng 5th dose ng bakuna ang mga edad 18 pataas na hindi nagpositibo sa COVID-19 o hindi tumanggap ng bakuna sa nakalipas na 6 na buwan.

Sisimulan ang rollout ng 5th dost ng COVID-19 vaccine bago matapos ang buwan ng Pebrero.

Ayon sa Health Ministry Office ng Australia, partikular na ibibigay ang bakuna na kayang labanan ang Omicron variant.

Sa datos ng pamahalaan ng Australia, 95 percent ng kanilang mga mamamayan na edad 16 pataas ay nakatanggap na ng dalawang doses ng bakuna kontra COVID-19. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *