Website ng PAL nakaranas ng problema
Nagkaproblema ang website ng Philippine Airlines (PAL), Miyerkules (Feb. 8) ng umaga.
Sa inilabas na abiso ng PAL, nakaranas ng unexpected downtime ang kanilang website at hindi ito ma-access ng publiko para sa aumang uri ng transaksyon.
Humingi ng paumanhin ang PAL sa nangyari.
Ayon sa PAL, ang problema ay maaaring bunsod ng interruption sa Microsoft internet services sa Southeast Asia Region.
Para sa mga mayroong concern sa PAL, maaaring i-access ang PAL Mobile App para sa Booking, Manage Booking at Online Check-in features.
Maaari itong mai-download sa IOS at Android.
Maaari ding tumawag sa
Hotline na 02-8539-0000 , 02-8855-8888 at 0919-056-2255.
Puwede ding magpadala ng mensahe sa messenger sa Facebook page ng PAL. (DDC)