Limang rider na sinibak ng Lazada pinababalik sa trabaho ng SC

Limang rider na sinibak ng Lazada pinababalik sa trabaho ng SC

Pinaburan ng Korte Suprema ang petisyon ng limang rider ng online shopping app na Lazada na sinibak sa kanilang trabaho.

Sa desisyon ng Supreme Court Second Division na isinulat ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen, pinaburan nito ang petisyon na inihain nina Chrisden Cabrera Ditiangkin, Hendrix Masamayor Molines, Harvey Mosquito Juanio, Joselito Castro Verde, at Brian Anthony Cubacub Nabong.

Sa nasabing petisyon, kinuwestyon ng lima ang naunang rulings ng National Labor Relations Commission (NLRC) at ng Court of Appeals na nangsabing walang employer-employee relationship sa pagitan ng mga petitioner at ng Lazada E-Services Philippines, Inc. (“Lazada”).

Ayon sa Korte Suprema, nabigo ang Lazada na patunayang independent contractors nila at hindi regular employees ang lima.

Ayon sa SC, ang limang petitioners ay direktang inemployo ng Lazada base sa kontratang kanilang nilagdaan.

Base din sa kontrata, tumatanggap sila ng suweldo mula sa Lazada ng P1,200 para sa bawat araw ng serbisyo.

Nakasaad din sa kontrata na ang Lazada ay mayroong kapangyarihan na sibakin ang lima kapag nagkaroon ng “breach of material provisions” o may nalabag sa mga probisyon na isinasaad sa kontrata.

Sinabi ng SC na ang serbisyo na ginagampanan ng limang riders ay “integral” sa negosyo ng ng Lazada.

Ang mga usaping ito ay nagpapatunay na mayroong empoyee-employer relationship sa pagitan ng kumpanya at ng limang petitioners.

Inatasan ng SC ang Lazada na ibalik sa trabaho ang lima bilang Lazada riders, at bayaran ang kanilang backwages mula nang araw na sila ay sinibak hanggang sa actual reinstatement. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *