Unang kaso ng XBB.1.5 Omicron subvariant naitala sa bansa
Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng unang kaso ng XBB.1.5 Omicron sub variant sa bansa.
Pinaniniwalaang ang XBB.1.5 ang pinaka-nakahahawang sub variant ng Omicron.
Ayon sa DOH, sa 1,078 na samples na isinailalim sa sequencing mula Jan. 30 hanggang Feb 3, 196 ang Omicron XBB subvariants at isa dito ang XBB.1.5.
Ayon sa DOH, ang XBB.1.5 ay offshoot ng XBB subvariant batay sa European Centre for Disease Prevention and Control at itinuturing na variant of interest.
Na-detect na ito sa 59 na mga bansa sa mundo.
Mula noong Jan. 29 hanggang Feb. 4 ang nasabing subvariant ang bumubuo sa 66.4 percent ng mga positibong kaso ng COVID-19 sa US. (DDC)