Furbabies welcome sa Pasig River Ferry Service

Furbabies welcome sa Pasig River Ferry Service

Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pinapayagan ang pagsakay ng mga furbabies o mga alagang hayop sa Pasig River Ferry Service (PRFS).

Paalala ng MMDA sa mga pasahero ng ferry service na kailangan lang na nasa carrier o kulungan ang dalang alaga.

Pagllinaw ng ahensya, puwede ang kahit anong pets basta tiyak lang na hindi makakasama o magiging banta sa iba pang pasahero ng ferry.

Maaaring isakay an mga alagang hayop sa alinmang 13 istasyon sa Pinagbuhatan, Kalawaan, San Joaquin, Maybunga, Guadalupe, Hulo, Valenzuela, Lambingan, Sta. Ana, PUP, Quinta, Lawton, at Escolta. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *