Anti-Drunk and Drugged Driving Act istriktong ipatutupad sa Dagupan City

Anti-Drunk and Drugged Driving Act istriktong ipatutupad sa Dagupan City

Pinulong ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez ang lahat ng 31 Punong Barangay sa Dagupan City.

Ito ay para sa istriktong pagpapatupad ng Republic Act No. 10586 o ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013 sa kani-kanilang nasasakupan.

Ipinatawag ni Fernandez ang pulong matapos ang report ni PLtCol. Vicente Castor Jr. acting chief ng Dagupan City Police hinggil sa road incident noong Linggo sangkot ang mga menor de edad.

Ang nasabing insidente ay nagresulta sa pagkasawi ng isa sa mga biktima.

Ayon sa alkalde, kanila na ring daragdagan ang mga check point/stations para sa breathalyzer tests sa mga motorista lalo na de Venecia Rd Ext. tuwing gabi at sa madaling araw para iwas disgrasya. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *