Bagong opisyal ng LWUA at OP itinalaga ni Pangulong Marcos

Bagong opisyal ng LWUA at OP itinalaga ni Pangulong Marcos

Nagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng mga bagong opisyal sa Local Water Utilities Administration (LWUA) at Office of the President.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), itinalaga ng pangulo si Vicente Homer Revil bilang acting administrator at miyembro ng Board of Trustees LWUA.

Itinalaga din ng pangulo si Jovy Bernabe bilang acting member ng Board of Trustees ng LWUA.

Epektibo ang appointment ni Revil at Bernabe araw ng Lunes, Feb. 6, 2023.

Samantala, itinalaga naman ng pangulo si Mary Lyn Charisse Lagamon bilang Presidential Assistant I sa Office of the Appointments sa ilalim ng Office of the President. (DDC)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *