Pangulong Marcos nagpaabot ng pakikiramay matapos ang pagtama ng malakas na lindol sa Turkey at Syria
Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga mamamayan at gobyerno ng Turkey at Syria kasunod ng naranasang malakas na pagyanig.
Sa kaniyang pahayag, sinabi ng pangulo na handa ang pamahalaan ng Pilipinas na magpaabot ng tulong sa abot ng makakaya.
Kabilang sa inialok na tulong ni Pangulong Marcos ay ang pagresponde sa naranasang kalamidad.
“Our thoughts and prayers go to the peoples and governments of Türkiye and Syria following the strong earthquake that has claimed many lives and caused massive destruction to their countries. The Philippines is ready to help in whatever way it can in responding to this disaster,” ayon sa pangulo.
Sa pinakahuling datos ay umabot na sa halos 4,000 ang nasawi sa malakas na lindol na tumama sa Turkey at Syria. (DDC)