320 na kilo ng Peking duck nakumpiska sa Tondo, Maynila

320 na kilo ng Peking duck nakumpiska sa Tondo, Maynila

Nakumpiska ng mga tauhan ng Veterinary Inspection Board (VIB) Meat Enforcement Squad ang 320 kilo ng Peking duck mula Chona sa Tondo Maynila.

Nagsagawa ng routine inspection sa lugar ang mga otoridad at nakumpiska ang P70,000 halaga ng peking duck sa Jiaram Enterprises.

Ayon kay VIB Director Dr. Nicanor Santos Jr., mahaharap ang may-ari ng tindahan sa kasong paglabag sa Food Safety Act 10611 Memo Order no. 6 Series of 2019.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng produktong karne mula sa China, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia and Ukraine dahil sa banta ng African Swine Flu, Avian Influenza at Foot and Mouth Disease.

Pinaalalahanan din ni Director Santos ang mga negosyante na patuloy ang inspeksyon ng kanilang ahensya upang tiyakin ang kaligtasan ng mga produktong karne sa lungsod. (END)

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *