32 pang Pinoy tinamaan ng COVID-19 sa ibang bansa; 5 pa ang nasawi
Nadagdagan ng 32 pa ang bilang ng mga Pinoy sa ibang bansa na tinamaan ng COVID-19.
Sa datos mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) araw ng Huwebes, Dec. 9, sa kabuuan 24,222 na ang bilang ng mga Pinoy abroad na tinamaan ng COVID-19.
Sa nasabing bilang, 14,356 na ang gumaling habang 8,423 pa ang sumasailalim sa gamutan.
Nasa 1,443 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawing Pinoy sa ibang bansa dahil sa COVID-19 makaraang makapagtala ng 5 pang pumanaw.
Sa Middle East/South Africa mayroong naitalang pinakamaraming kaso na umabot na sa 13,142.
Sa Asia Pacific Region naman ay nakapagtala ng 6,385 cases. (DDC)