3 barangays sa Las Piñas idineklarang drug-cleared ng DILG at PDEA
Tatlong barangay sa Las Piñas City ang idineklarang drug-cleared ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Bahagi ito sa polisiya ng pamahalaan na siguruhin ang kaligtasan at kapakanan ng mamamayan laban sa matinding epekto ng mga mapanganib na ilegal na droga at upang epektibong masugpo ang pagkalat ng mga ito sa bansa.
Ang Regional Oversight Committee for Barangay Drug Clearing Program, alinsunod sa kanyang mga resolusyon ay idineklarang drug-cleared barangays under provisional status ang mga Barangays Pamplona Uno, Pulanglupa Dos at Talon Tres.
Nagpapatuloy ang mga hakbangin at programa ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas City kontra ilegal na droga upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga residente lalo na ang mga kabataan sa lungsod. (Bhelle Gamboa)