Paggamit ng Handheld Mobile Device sa panghuhuli sa mga lumalabag sa batas-trapiko ipatutupad na ng LTO simula ngayong araw
Ipinatupad na ng Land Transportation Office (LTO) ang paggamit ng Law Enforcement Handheld Mobile Device sa panghuhuli sa mga lumalabag sa batas-trapiko.
Sa inilabas na memorandum ni LTO chief, Asst. Sec. Jay Art Tugade, lahat ng Transportation Regulation Officers ay inatasang gamitin na ang law Enforcement Handheld Mobile Device simula ngayong Lunes, Feb. 6, 2023.
Kasama rin sa ipatutupad ang pagsusuot ng body worn camera.
Kamakailan ay sinanay ng LTO ang mga enforcers nito sa paggamit ng Handheld Mobile Device.
Gamit ang nasabing aparato ay iisyuhan ang mga lumalabag sa batas trapiko ng electronic operator’s permit o e-TOP.
Dalawang buwan matapos magamit ang Handheld Mobile Device ay ilulunsad naman ng LTO ang phase 2 ng proyekto kung saan puwede na ring magbayad ang mga motorista sa naturang device. (DDC)