Spy Balloon ng China na namataan sa South Carolina pinabagsak ng US
Pinabagsak ng mga otoridad sa US ang pinaghihinalaang Chinese Spy Balloon na namataan sa airspace ng South Carolina.
Patuloy ang operasyon para ma-recover ang pinabagsak na spy balloon sa bahagi ng Atlantic Ocean.
Ayon kay Defense Sec. Lloyd Austin, ang pag-shutdown sa spy balloon ay base sa kautusan ni US Pres. Joe Biden.
Nagtalaga aniya ng US fighter aircraft para mapabagsak ang surveillance balloon na pinaniniwalaang pag-aari ng China. (DDC)