Tawi-Tawi niyanig ng magnitude 4.5 na lindol
Tumama ang magnitude 4.5 na lindol sa lalawigan ng Tawi-Tawi.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 312 kilometers southeast ng Sapa-sapa, 12:15 ng tanghali ng Linggo, Feb. 5.
May lalim na 105 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks. (DDC)