58-anyos na dalawang araw nang nawawala natagpuan sa bulubundukin ng Southern Leyte

58-anyos na dalawang araw nang nawawala natagpuan sa bulubundukin ng Southern Leyte

Nailigtas ng mga otoridad ang isang 58 anyos na lalaki na dalawang araw nang pinaghahanap ng kaniyang mga kaanak.

Nagsagawa ng search and rescue operations ang Coast Guard K9 Team Lilo-an kasama ang mga kawani ng Coast Guard Sub-station Liloan, SMU, Philippine National Police-Liloan, MDDRMO, Liloan Rescue Unit, Brgy Officials at mga volunteer sa sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Fatima, Lilo-an, Southern Leyte.

Ito ay para hanapin ang isang 58 taong gulang na lalaki, na kilala lamang sa tawag na Mr. Ladaga, na dalawang araw nang nawawala.

Ayon sa PCG, natagpuan si Ladaga sa pagitan ng Brgy. San Roque, Fatima, at Poblacion ng bayan ng Lilo-an, Southern Leyte.

Batay sa impormasyon, sinadya talaga ni Mr. Ladaga na magtago sa bulubunduking bahagi ng mga nabanggit na barangay.

Nakararanas umano ng nervous breakdown ang lalaki.

Agad naman itong dinala sa pinakamalapit na pagamutan para mabigyan ng karampatang atensyong medikal. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *