EJ Obiena nagwagi ng gintong medalya sa kompetisyon sa Poland
Nagwagi ng gintong medalya ang Pinoy pole vaulter na si EJ Obiena sa sinalihang kompetisyon sa Lodz, Poland.
Tinapos ni Obiena ang 5.77 meters para manguna sa 2023 Orlen Cup.
Ang American na si Sam Kendricks, Piotr Lisek ng Poland at Italian na si Claudio Michel Stecchi ay pawang nakakuha ng 5.70 meters.
Noong nakaraang linggo nagwagi din ng gintong medalya si Obiena sa kompetisyon sa France. (DDC)