12 barangay sa Naga City idineklarang drug free
Deklarado nang drug free ang labingdalawang mga barangay sa Naga City ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Camarines Sur.
Sinabi ni PDEA Camarines Sur Provincial Officer IA V Mark Anthony M. Viray mayroon pang 15 barangay sa lungsod ang nananatiling apektado ng illegal drugs.
Ibinibigay ang drug-free status sa mga barangay na mayroong historical records ng users ng illegal drugs o Persons who Used Drugs (PWUDs), traffickers o drug den/s o “tiangge”.
Sa sandaling mawala na ang presensya ng mga user, drug den o tiangge ay idedeklara na itong drug-free matapos maisagawa ang validation at fact-checking.
Ang mga barangagy na nasertipikahang drug-free ay ang Barangays Bagumbayan Norte, Dinaga, San Francisco, Carolina, Sta. Cruz, Liboton, Panicuason, Tinago, Dayangdang, San isidro, Concepcion Grande at Bagumbayan Sur.
Habang patuloy pa rin ang problema sa ilegal na droga sa Barangays Abella, Balatas, Calauag, Cararayan, Concepcion Pequeña, Del Rosario, Igualdad, Lerma, Mabolo, Pacol, Peñafrancia, Sabang, San Felipe, Tabuco at Triangulo. (DDC)