Face-to-face mass oathtaking para sa mga bagong Criminologists itinakda na ng PRC
Magdaraos ng face-to-face mass oathtaking ang Professional Regulation Commission (PRC) para sa mga bagong Criminologists.
Ayon sa PRC, ang panunumpa sa tungkulin ay isasagawa sa iba’t ibang lugar sa bansa mula ngaoyng buwan ng Pebrero hanggang sa Marso.
Narito ang mga petsa at lugar kung saan idaraos ang oathtaking:
– Feb. 12, 2023
San Jose, Occidental Mindoro
– Feb. 16, 2023
Cagayan de Oro
– Feb. 19, 2023
Butuan
– Feb. 21, 2023
Davao
– Feb. 22, 2023
Cebu City
– Feb. 25, 2023
NCR
– Feb. 26, 2023
General Santos City
– March 4, 2023
CAR
– March 5, 2023
La Union
– March 6, 2023
Pampanga
– March 7, 2023
Lucena
– March 8, 2023
Palawan
– March 10, 2023
Dapitan City
– March 11, 2023
Tuguegarao City
– March 13, 2023
BARMM, Zamboanga City
– March 15, 2023
Iloilo City
– March 17, 2023
Naga City
– March 19, 2023
Tacloban
Lahat ng nakapasa sa pagsusulit na lalahok sa face-to-face mass oathtaking ay kailangang magparehistro nang hindi lalagpas sa alas 12:00 ng tanghali isang araw bago ang petsa ng oathtaking.
Maaaring gawin ang pagpaparehistro sa http://online.prc.gov.ph
Ang mga manunumpa ay kailangang magdala ng Vaccination Card at magpakita ng negatibong RT-PCR results sa araw ng oathtaking. (DDC)