Digital payments posibleng maipatupad na sa transportasyon at mga palengke sa Bacolod City

Digital payments posibleng maipatupad na sa transportasyon at mga palengke sa Bacolod City

Pasado na sa ikalawang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod Council ng Bacolod City ang panukalang pagpapatupad ng Paleng-QR Ph Program sa lungsod.

Ang ordinansa ay sa panulad ni Committee on Markets & Slaughterhouse, Councilor Celia Matea Flor magpatupad ng Quick Response (QR) Digital Payments sa mga palengke, iba pang establisyimento at transportasyon sa lungsod.

Sa ilalim ng ordinansa ay hinihikayat ang mga market vendors at transport sectors na i-adopt ang digital platform sa pagbabayad sa pamamagitan ng GCash, Paymaya at iba pang mobile applications na aprubado ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ang nasabing ordinansa ay bilang suporta din sa programa ni Mayor Albee Benitez na layong gawing Smart City ang Bacolod.

Ang Paleng-QR Ph Program ay national program kung saan layong ipatupad ang cashless transactions sa mga public markets, community stores, at local transportation hubs sa bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *