Overhauling sa mga tren ng MRT-3, 100 percent nang kumpleto

Overhauling sa mga tren ng MRT-3, 100 percent nang kumpleto

Nakumpleto na ng pamunuan ng MRT-3 ang overhauling sa 72 train coaches nito.

Ito ay makaraang matagumpay na makabiyahe ang pinakahuling train coach na isinailalim sa overhaul.

Sa pagtatapos ng overhauling, inaasahang mas maitataas ang train capacity sa MRT-3 sa pamamagitan ng pagde-deploy ng mas maraming tren lalo na kapag peak hours.

Ayon sa pahayag ng pamunuan ng MRT-3, kaya nang makapag-deploy ng rail line ng 18 hanggang 21 train sets kapag peak hours, mula sa dating 10 hanggang 15 train sets lamang.

Lahat ng newly-overhauled LRVs ay sumailalim sa quality at safety checks para masigurong maayos ang kondisyon ng mga ito para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero.

Ayon kay MRT-3 Director for Operations Engr. Oscar B. Bongon, aasahan ng mga pasahero ang mas komportableng biyahe lulan ng mga bagong repair at maayos na kondisyon na mga tren.

Inimupisahan ang overhauling project sa MRT-3 noong 2019 matapos muling manilbihan ang Sumitomo-MHI-TESP bilang maintenance provider ng rail line. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *