Single Ticketing System inaprubahan ng MMC

Single Ticketing System inaprubahan ng MMC

Matapos ang 28 taon, tuluyang inaprubahan na ng mga alkalde ng Metro Manila ang implementasyon ng single ticketing system sa idinaos na Metro Manila Council meeting sa bagong tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Pasig City.

Inadopt ng Metro Manila mayors ang single ticketing system sa pamamagitan ng pagtatatag ng Metro Manila Traffic Code of 2023 na magbibigay para sa isang system of interconnectivity bilang instrumento ng pamahalaan sa mga may kaugnayan sa transport and traffic management sa kalakhang Maynila na may isahang mga multa at penalties.

Ang standardized fines at penalties ay i-endorso sa Land Transportation Office at local councils para sa adoption.

“The single ticketing system will harmonize the existing national and local laws on traffic enforcement to establish effective transport and traffic management in Metro Manila,” base sa MMDA Resolution No. 23-02,

Ang approval at adoption ay makatutulong sa pagtugon sa iba’t ibang pamamaraan ng panghuhuli; pagbabayad ng mga multa; pagkuha ng mga lisensiya at plaka; at maging ang mga hindi nakakoordinasyong implementasypn ng mga batas trapiko na nagreresulta ng pagkalito ng mga motorista,pagkawala ng salapi at produktibong mga oras.

Nakasaad din sa resolusyon na maaaring makabuo ng kaguluhan kung hindi ito mababantayan na nakapipinsala sa publiko.

Sinabi ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes na ang single ticketing system na magbibigay kumbinyente sa mga motorista dahil makakapagbayad na sila ngayon para sa kanilang traffic-related violations saan man lugar kahit alin lungsod sila nahuli.

“This is a historic moment for all of us because after more than twenty years, Metro Manila is finally adopting the single ticketing system that will highly benefit our motorists,” sabi nito.

“The single ticketing system would help avoid confusion among our driving public, as well as option to pay electronically for their violations. Driver’s license will also not be confiscated during apprehension,” dugtong ni Artes.

Ikinatuwa at nagpasalamat naman si MMC President at San Juan City Mayor Francis Zamora sa buong council para sa pag-apruba ng makasaysayang resolusyon. Aniya ang single ticketing system ay magiging epektibo sa first quarter ng 2023.

“The Metro Manila LGUs will have to pass their respective ordinances adapting the Metro Manila Traffic Code 2023 on or before March 15 to fully implement the single ticketing system,” pahayag pa nito.

Magsisilbing guideline sa sistema ang Metro Manila Traffic Code of 2023 kung saan nakalista ang mga pinaka-karaniwang penalties ng paglabag sa batas trapiko na isahan o unipormadong ipatutupad ng lahat ng Metro Manila local government units, ang mga sumusunod:

Disregarding traffic signs
Illegal parking (attended and unattended)
Number coding UVVRP
Truck ban
Light truck ban
Reckless Driving
Unregistered motor vehicle
Driving without license
Tricycle ban
Obstruction
Dress code for motorcycle
Overloading
Defective motorcycle accessories
Unauthorized modification
Arrogance/Discourteous conduct (driver)
Loading and Unloading in Prohibited Zones
Illegal counterflow
Overspeeding

SPECIAL LAWS:
Seat Belts Use Act of 1999
Child Safety in Motor Vehicles Act
Mandatory Use of Motorcycle Helmet Act
Children’s Safety on Motorcycle Act
Anti-Distracted Driving Act
Anti-Drunk and Drugged Driving Act

Ang MMTC ay may probisyon din para sa interconnectivity requirements sa LTO’s Land Transportation Management System (LTMS).

Sa ginanap na pulong,napagkasunduan din na ang MMDA ang magbibigay ng mga ponfo para sa pagbili ng hardware at I.T requirements na kinakailangan sa maayos at sabay-sabay na rollout ng LGU’s integration kasama ang LTMS.

Magpapatupad din ang he LGUs ng mga ordinansa na gagaya sa standardized fines ukol sa natukoy na karaniwang mga paglabag sa batas trapiko at hiwalay na ordinansa naman para sa traffic-related offenses na hindi nabanggit sa traffic code.

Ang pinal na balangkas ng Metro Manila Traffic Code ay napagkasunduan ng mga opisyal ng MMDA at LTO maging ng Metro Manila local traffic enforcement heads noong Enero 19. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *