P1.8M na reward ibinigay sa 13 “tipsters” na nagresulta sa pagkaaresto ng 13 most wanted individuals
Naipagkaloob na ng Philippine National Police (PNP) ang P1.8 million sa mga nagsilbing “informants” na nagresulta sa pagkakaaresto ng 13 Most Wanted Persons.
Ang nasabing halaga ay reward para sa mga confidential informants.
Pinangunahan ni PNP Director for Intelligence PMGEN Benjamin Acorda Jr. ang pagbibigay ng kabuuang P1,865,000 na cash rewards sa 13 claimants sa isinagawang symbolic ceremonies Sa Camp Crame.
Ayon kay Acorda ang mga nahuling most wanted person ay pawang may kinakaharap na warrants of arrest na dahil sa mga kasong murder, rape, forcible abduction with rape, multiple frustrated murder, at multiple attempted murder.
Ang pagbibigay ng monetary rewards sa mga indibidwal na naging instrumento sa pagkakaaresto ng Most Wanted Persons ay bahagi ng programa ng PNP.
Nanawagan naman si PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. sa publiko na patuloy na na magbigay ng impormasyon sa pulisya kung may mga kahina-hinalang indibidwal sa kanilang lugar. (DDC)