20 modern PUVs, huli sa anti-overloading operations ng LTFRB

20 modern PUVs, huli sa anti-overloading operations ng LTFRB

Umabot sa dalawampung modern public utility jeepneys ang hinuli ng mga tauhan ng Law Enforcements Unit (LEU) ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa magkahiwalay na “anti-overloading” operation.

Sa ikinasang operasyon apat na modern jeepneys ang nahuling sobra-sobra ang sakay na pasahero.

Ang mga pasaherong naapektuhan ay inilipat sa ibang sasakyan para hindi sila maabala.

Kabilang din sa mga nahuli ang walong tsuper na hindi nakasuot ng tamang uniporme, apat na may sirang breaklight, dalawang unit na walang nakapaskil na fare matrix, at tig-isang unit na walang nakapaskil na “No Smoking” at walang naipakitang Certificate of Public Convenience (CPC) card.

Ang naturang operasyon ay inilatag sa dalawang lugar sa Caloocan at Quezon City.

Ang mga hinuling modern PUVs ay tiniketan at pinatawan ng tig-P5,000 dahil sa unang paglabag sa ilalim ng Memorandum Circular 2011-004 ng Joint Administrative Order 2014-01. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *