Klase sa mga paaralan at pasok sa gobyerno sinuspinde sa Davao De Oro matapos ang pagtama ng magnitude 6 na lindol
Suspendido ang klase sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa Davao De Oro matapos ang pagtama ng magnitude 6.0 na lindol sa lalawigan.
Sa memorandum ni Gov. Dorothy Montejo-Gonzaga, sinuspinde din ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa lalawigan.
Ito ay para makapagsagawa ng inspeksyon sa mga pasilidad at matiyak na ligtas gamitin ang mga ito matapos ang malakas na lindol.
Hindi naman sakop ng suspensyon ang mga nagtatatrabaho sa frontline offices ng gobyerno gaya ng nasa PDRRMO, PSWDO, Health Office, General Service Office, at iba pa. (DDC)