DSWD tiniyak na may nakahandang tulong sakaling may napinsala ang magnitiude 6.0 na lindol na tumama sa Davao De Oro
Naghanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P46 million na halaga ng tulong sakaling mayroong naapektuhan sa tumamang magnitude 6.0 na lindol sa Davao de Oro.
Ayon kay DSWD Sec, Rex Gatchalian, sa kaniyang pakikipag-usap sa alkalde ng New Bataan sa Davao de Oro ay nagpapatuloy pa ang assessment para matukoy ang pinsala ng lindol.
Gayunpaman, sinabi ni Gatchalian na mayroong nakahandang mahigit 19,500 na family food packs na agad ipamamahagi sa mga apektadong LGUs kung kakailanganin.
Kasama din sa nakahanda ang mahigit P28.9 million na other food at non-food items at P5 million na standby funds.
Sinabi ni Gatchalian na patuloy ang koordinasyon ng DSWD XI sa mga LGU ng mga lugar na naapektuhan ng pagyanig. (DDC)