Mental Health Awareness inilunsad ng Las Piñas LGU
Pinangunahan ni Las Pinas City Mayor Imelda Aguilar ang paglunsad ng programang nabibigay kamalayan na tutugon sa problema ng mga kabataan kaugnay sa mental at reproductive health.
Ito ay may timang “Kalungkutan ay Agapan, Kabataan ay Protektahan”, kung saan ginawa ito noong Decemvber 31, 2023 sa Verdant Covered court in Barangay Pamplona 3
Ayon kay Mayor Aguilar, dinaluhan ito ng nasa 400 na mga kabataan mula sa mga high school at senior high school, out of school youth at Sangguniang kabataan ng lungsod.
Aniya dumalo rin si Vice-Mayor April Aguilar at Alelee Aguilar-Andanar sa kick-off ceremony ng nasabing programa.
Dagdag niya na ang “Mental Health Awareness” ay inorganisa ng Las Piñas City Health Office (CHO) sa pamumuno ni Dra. Julie Gonzalesz, layon nito na makabuo ng isang matatag na komunidad sa pagharap ng mental problems lalo na sa mga estudyante at kabataan sa pamamagitan ng treatment at counseling.
Sinabi naman ni Dra. Gonzalez, na gusto ni Mayor Aguilar na matulongan ang mga residente na nagdurusa ng mental issue na dulot ng Covid-19 pandemic kung saan hindi lang ang bansa ang nakarana nito kundi pa rin ang buong mundo.
“Nakiisa rin ang Department of Education (DepEd) sa makabuluhang proyekto ni Mayor Aguilar na talagang tutulong sa mga studyante na nakararanas ng mental issue matapos ang ipatupad ang online class”, ayon kay Dra. Gonzalez.
Giit din nito na supportive ni Mayor Aguilar na mapabuti ang kalusugan ng bawat residente ng lungsod, kabilang na ang mga kabataan kung saan parti ito ng nasabing health advocacy.
Aniya gusto rin ng alkade an zero number ng mental health issues sa mga residente ng lungsod kahit mahirap itong makamit.
Pinuri naman ni Metro Manila Center for Health Development-Department of Health (MMCHD-DOH) Regional Director Aleli Grace Sudiacal ang pagpapatupad ng city’s mental health awareness program, ayon kay Gonzales. (Noel Talacay)