3 rebeldeng nasawi sa engkwentro sa mga otoridad sa Quezon binigyan ng disenteng burol
Binigyang ng disenteng buro ng militar at ng pamahalaang bayan ng San Francisco, Quezon ang tatlong rebelde na nasawi sa engkwentro sa mga otoridad.
Nakipag-ugnayan ang militar sa lokal na pamahalaan ng San Francisco upang mabigyan ng maayos na kabaong ang tatlong nasawing miyembro ng NPA sa naganap na laban kamakailan sa Brgy Huyon-uyon ng nasabing Bayan.
Ang mga katawan ng nasawi ay kasalukuyang nakaburol sa lumang munisipyo ng San Francisco, Quezon.
Ang burol ay binabantayan ng mga tauhan ng 85th Infantry Sandiwa Battalion habang hinihintay na mai-turnover sa pamilya ng bawat nasawi.
Gumagawa na ngayon ng paraan ang military para upang mahanap at malaman ang pamilya ng mga namatay na NPA, at upang ipaalam ang sinapit ng kanilang mahal sa buhay.
Kaugnay nito ay nanawagan si LTC Joel Jonson, ang Commanding Officer ng 85IB, sa natitira pang miyembro ng PLATUN REYMARK, SRMA 4B na magbalik-loob na sa pamahalaan.
Ani Jonson, ang gobyerno ay nakahandang tumulong upang akayin sila pabalik sa tamang daan at may makukuha pa silang benepisyo sa ilalim ng E- CLIP. (DDC)