COVID-19 allowance ng mga health worker pinatutuloy ni Pangulong Marcos kahit natapos na ang pag-iral ng state of calamity

COVID-19 allowance ng mga health worker pinatutuloy ni Pangulong Marcos kahit natapos na ang pag-iral ng state of calamity

Ipinatutuloy ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibigay ng COVID-19 allowance kahit natapos na ang pag-iral ng state of calamity sa bansa.

Sinabi ng pangulo na kahit hindi na pinalawig ang pag-iral ng state of calamity ay tuloy ang pagbibigay ng kompensasyon sa mga health workers.

“Tuloy-tuloy ‘yan… Yung inaalala ko dati na hindi matutuloy ang compensation para sa ating health workers, ‘yung mga health workers, ‘yung allowance nila ay pinag-aralan namin nang mabuti kahit hindi itinutuloy ang state of calamity ay hindi maapektuhan ang pagbayad doon sa ating mga health workers ng kanilang mga benefits,” pahayag ni Marcos kasunod ang pulong sa mga health officials sa Malacañang.

Natapos na ang pag-iral ng state of calamity sa bansa noong Dec. 31, 2022 makaraang hindi na palawigin ni Pangulong Marcos.

Sa nasabing pulong binanggit din ni Marcos na mayroon pang sapat na suplay ng bakuna ang bansa lalo pa at pababa naman na ng pababa ang naitatalang kaso ng COVID-19. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *