Paglikha sa Water Resource Management Office inaprubahan ni PBBM

Paglikha sa Water Resource Management Office inaprubahan ni PBBM

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglikha sa Water Resource Management Office (WRMO) para matutukan ang maayos na water resources sa bansa.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) ang bagong tanggapan din ang hahawak sa mga ecological threats.

Sa isinagawang multi-sectoral meeting sa Malakanyang, sinabi ni Pangulong Marcos na mahalagang palakasin ang mandato ng Water Management Office.

Ayon sa pangulo, unang dapat tutukan ng WRMO ay ang mabawasan ang pagiging reliance ng bansa sa groundwater at deep wells.

Pangunahing mandato ng WRMO ang matiyak na maipatutupad ang Integrated Water Management Plan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *