Tatlong lider ng komunistang grupo naaresto ng sa GenSan

Tatlong lider ng komunistang grupo naaresto ng sa GenSan

Tatlong rebelde ang naaresto sa manhunt operations ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group sa General Santos City.

Sa ulat na natanggap ni PNP chief, Police General Rodolfo Azurin Jr. mula kay Police Brigadier General Romeo Caramat Jr, direktor ng Criminal CIDG, nadakip ng mga otoridad ang taltong komunista sa pamamagitan ng pagsisilbi ng warrant of arrest.

Ayon kay Azurin ang suspek an si Yvonne Losaria ay may kinakaharap na warrant of arrest para sa kasong rebelyon.

Habang ang suspek na si Ruben Saluta ay may warrant of arrest para sa mga kasong murder, frustrated murder, at multiple murder.

Ang isa pang suspek na si Presentacion Saluta ay may kinakaharap naman na kasong rebelyon.

Batay sa rekord ng PNP, si Ruben Saluta ay Secretary ng National Propaganda Commission, CPP CENTRAL COMMITTEE, at dating Secretary ng Panay Regional Party Committee (PRPC).

Habang si Presentacion ay pinuno ng Komiteng Rehyonal Panay (KR- Panay), at si Losaria ay lider ng Sentro-De-Gravidad, Guerilla Front 35, Southern Mindanao Regional Committee (SMRC).

Nakumpiska sa mga naarestong rebelde ang tatlong M16 rifles, dalawang M14 rifles, siyam na mga magazine na may mga bala, isang hand grenade, iba’t ibang cellular phones, sim cards, at communist terrorist paraphernalia. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *