Valenzuela Rep. Rex Gatchalian itinalaga ni Pangulong Marcos bilang DSWD secretary
Hinirang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) si Valenzuela City 1st Dist. Rep. Rex Gatchalian.
Nanumpa na sa puwesto si Gatchalian kay Marcos sa Malakanyang.
Nagpasalamat si Gatchalian sa tiwalang ibinigay ng pangulo.
Tiniyak din nito sa mga taga-Valenzuela na hindi maaapektuhan ang serbisyo sa unang distrito ng lungsod.
Ani Gatchalian, may itatalagang caretaker ang Kamara para sa first district ng Valenzuela.
Ayon sa Malakanyang, sa ilalim ng pamumuno ni Gatchalian bilang alkalde, napabilang ang Valenzuela sa Top 10 Outstanding Local Governance Programs sa Galing Pook Awards noong 2021.
Nakilala rin si Mayor Rex para sa mga programang nailunsad para sa social protection at disaster response. (DDC)