Mga kontrabando nakumpiska sa Immigration Detention Facility sa Camp Bagong Diwa

Mga kontrabando nakumpiska sa Immigration Detention Facility sa Camp Bagong Diwa

Nakumpiska ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Bureau of Immigration (BI) ang ilang kontrabando,cash at iba pang ipinagbabawal na gamit sa ikinasang Oplan Greyhounds sa loob ng sa BI Warden Facility, Camp Bagong Diwa,Bicutan,Taguig City ng Enero 31.

Kabilang sa mga nasamsam ng otoridad ang mga cellphones, laptops, internet routers at cords, sigarilyo, mahigit P500,000 na cash at iba pang ipinagbabawal na gamit sa loob ng pasilidad.

Samantala nagsagawa rin ng surprise drug test sa mga tauhan ng Bureau of Immigration Detention Facility sa pangangasiwa niForensic Group – Southern Team CPT.Merana.

Binigyang doing ni NCRPO Regional Director,Major General Jonnel Estomo na ang ikinasang operasyon ay laying mapaangat ang seguridad at kaayusan sa naturang piitan.

Ayon Kay Estomo, isa ito SA mga security measures na ipinatutupad upang siguruhin ang kaligtasan ng lahat Ng personnel, occupants, visitors, detained/on-hold persons at tenants sa loob ng kampo. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *