Onion farmer sa Bukidnon tinulungan ng DA na maibenta ang kaniyang produkto sa mall

Onion farmer sa Bukidnon tinulungan ng DA na maibenta ang kaniyang produkto sa mall

Halos kalahating milyong piso ang tinatayang kita ng isang onion farmer sa Malaybalay City, Bukidnon.

Ito ay makaraang assistihan ng Department of Agriculture (DA) – Region 10 ang magsasaka na maibenta ang kaniyang produktong sibuyas sa isang mall sa lungsod.

Pinangasiwaan ng DA-Region 10 ang marketing linkage ng onion farmer na si Joseph Aguilar at ng Gaisano Mall Malaybalay para sa ikalawang delivery nito ng dalawang tonelada ng pulang sibuyas.

Sa presyong P260 kada kilo, tinatayang aabot sa P544,544 ang kabuuang kita ni Aguilar dahil sa pangako ng Gaisano na bibili ito sa kaniya ng 2 toneladang sibuyas kada linggo.

Ayon kay DA-10 Regional Technical Director for Operations Carlota S. Madriaga, tinutulungan ng ahensya ang mga magsasaka na magkaroon ng tiyak na buyer ng kanilang produkto.

Tinutulungan din sila ng DA na maibiyahe ang kanilang mga produkto mula sa farm patungo sa mga palengke o kung saang lugar nila ito ibebenta. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *