Deklarasyon ng COVID-19 emergency sa US babawiin na sa buwan ng Mayo
Tatapusin na ang COVID-19 emergency declarations sa Estados Unidos simula sa May 11, 2023.
Unang isinailalim sa COVID-19 national emergency and public health emergency ang US noong 2020 sa ilalim pa ng administrasyon ni dating US President Donald Trump.
Sakop ng deklarasyon ang pagbibigay ng libreng tests at bakuna sa mga mamamayan ng US.
Sa pahayag ng Office of Management and Budget ng White House, palalawigin na lamang hanggang May 11 ang deklarasyon at pagkatapos ay babawiin na ito.
Kapag natapos na ang deklarasyon, ang gastusin para sa COVID-19 vaccines, COVID-19 tests at pagpapagamot ay sasaluhin na ng mga private insurance at government health plans. (DDC)