Dalawang barko huli sa ilegal na pagbiyahe ng P29M na halaga ng produktong petrolyo Tawi-Tawi

Dalawang barko huli sa ilegal na pagbiyahe ng P29M na halaga ng produktong petrolyo Tawi-Tawi

Naharang ng mga tauhan ng PNP-Maritime Group ang dalawang barko na ilegal na naglilipat ng produktong petrolyo sa karagatang sakop ng Tawi-Tawi.

Sangkot sa nasabing ilegal na aktibidad ang MT Marnia na mayroong Malaysian Flag at ang MT Jaslyn Stacy na mayroong Philippine Flag.

Nahuli ng mga tauhan ng PNP-Maritime Group na inililipat ng ang daan libong litro ng produktong petrolyo mula sa MT Marnia patungo sa MT Jaslyn Stacy sa Turtle Islands, Tawi-Tawi.

Ayon sa mga otoridad, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa aktibidad kaya agad nagsagawa ng maritime patrol operation sa lugar.

Sa isinagawang imbestigasyon nabigo ang mga kapitan ng dalawang barko na magpresenta ng balidong dokumento na magpapatunay na legal ang kanilang transaksyon.

Ang dalawang barko ay dinala na sa Bongao, Tawi-Tawi para maisailalim sa inspeksyon ng Bureau of Customs (BOC) ang mga karga nito.

Sa inisiyal na imbestigasyon, karga ng MT Marnia ang tinatayang 2,000 drums o 400,000 liters ng petroleum products na aabot sa P29,000,000 ang market value. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *