Mga estudyante ng DLSU na nasugatan sa pagsabog sa kalapit na laundry shop, nakalabas na ng ospital
Nakalabas na ng ospital ang mga estudyante ng De La Salle University na nasugatan sa pagsabog sa isang kalapit na laundry shop sa Fidel Reyes St. Malate, Maynila gabi ng Lunes (Jan.30).
Sa inilabas na pahayag ng pamunuan ng unibersidad, ang mga estudyante nilang nasugatan ay na-discharge na sa ospital, habang patuloy na naka-admit ang isa nilang security guard.
Sa isinagawang inspeksyon wala ding nakitang pinsala sa university property bunsod ng naturang pagsabog.
Umapela naman ang unibersidad sa netizens na maging maingat sa pagbabahagi ng mga hindi beripikadong posts ng larawan at video hinggil sa insidente.
Ang pagsabog ay bunsod ng gas leak sa isang laundry shop na nagresulta din sa insidente ng sunog. (DDC)