Nakulektang buwis sa bayan ng Montalban tumaas
Mas tumaas ang nakulektang buwis ng pamahalaang bayan ng Montalban kumpara noong nagdaang taon.
Sa datos mula sa Montalban Business Permit and Licensing Office (BPLO) umabot sa P58M ang nakulektang buwis ngayong taon kumpara sa P35M lamang noong nakaraang taon.
Ang datos ay inilahad ni BPLO head Jose Arlo Mallari.
Ayon kay Montalban Mayor Ronnie Evangelista, sumasalamin ito sa pagtitiwala ng mga mamamayan ng Montalban sa pamahalaang bayan.
Pagpapakita din aniya ito ng tiwala ng mga business owners sa pagsusulong ng lokal na negosyo sa munisipalidad.
Nangako naman si Evangelista na ang mga nakukulektang buwis ng pamahalaang bayan ay ibabalik sa mga mamamayan sa pamamagitan ng mas malawak na serbisyo-publiko. (DDC)